Seafearer1

Mga seafarers na ayaw maglayag sa Strait of Hormuz dumating na sa bansa

Jun I Legaspi Sep 5, 2026
19 Views

SeafearerNAKAUWI na sa bansa ang 10 Filipino seafarers noong Setyembre 4 na tumangging maglayag sakay ng M/V Dema M patungong Strait of Hormuz dahil sa panganib sa naturang ruta.

Sinalubong sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ni DMW Assistant Secretary Venicio Legaspi kasama ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)i.

Poprotektahan ng DMW ang karapatan, hanapbuhay at mga benepisyo ng mga Pilipinong marino laban sa mga ahensyang hindi kumikilala sa mga ito.

“Nandito kami para ipakita ng DMW at ng ating secretary ang suporta sa desisyon ninyo,” saad ni Asec. Legaspi.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng UPLIFT initiative, kinikilala ng DMW ang karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFWs), kabilang ang mga seafarers na tumangging maglayag sa mga rutang may mataas na panganib.