Bato

Mga senador humiling ng suporta para kay Marcos sa honeymoon period nito bilang Pangulo

167 Views

NAGPAHAYAG ng matinding supporta sina Senador Ronald Bato dela Rosa at Senador Sherwin Gatchalian kay Pangulong Ferdinand BongBong Marcos jr., kung saan ay nanawagan silang bigyan ng tamang pang unawa si Marcos sa kanyang “honeymoon period” bilang bagong upo na Pangulo.

Ayon kay dela Rosa naniniwala siya na maraming pwedeng magawa si Marcos lalo pa at determinado ito na maiangat ang bansa sa napakaraming pagsubok na kinakaharap sa kasalukuyan.

Aniya, matutuwa siyang makita kung mahihigitan pa ni Marcos si dating President Duterte sa nagawang kontribusyon nito sa bansa.

“At bilang Pilipino na naghahangad ng kabutihan sa ating bansa, dapat ipagdasal natin ang kanyang tagumpay at ang bansa natin para makaahon,” giit ni dela Rosa.

Para naman kay Gatchalian, desidido at seriyoso aniya si Marcos na harapin ang mga pagsubok na kasalukuyan kinakaharap ng bansa dulot na rin ng pandemya at ang kasalukuyan hidwaan ng Russia at Ukraine.

“So many Filipinos need jobs. Our farmers need help and the President is taking everything seriously as the father of this nation. We need to help him in these trying times,” ani Gatchalian kung saan ay nanawagan rin siya na supportahan ang panawagan ng pangulo sa pagkakaisa ng bansa.

Sinabi pa ni Gatchalian na ang mga pagsubok ni Marcos sa kasalukuyan ay hindi biro gaya ng kakulangan sa hanapbuhay ng maraming PIlipino, ang kahirapan na kinakaharap natin at kung paano niya mapasisigla muli ang ekonomiya sa kabila ng katotohanan aniya na magbabayad din tayo ng ating obligasyon panabay pa ng tumataas na mga bilihin at mga presyo ng petrolyo.

Pinapurihan nina Gatchalian at dela Rosa ang Pangulo dahil umano sa matinding determinasyon ni Marcos na itaas ang buhay ng bawat Pilipino at labanan ang kahirapan ng bansa.