Grace Poe

Mga senador kinastigo ang PhilStat

176 Views

DUMARAMI ang mga senador na nagpahayag ng pagkabahala sa anila ay hindi makatarungan na pagkaantala ng Phil ID.

Ayon Kay Sen. Grace Poe, ito ay matinding paghamon sa kakayahan ng Philippine Statistics Authority na maipakita ang kanilang trabaho sa taumbayan.

Ayon pa Kay Poe, walang katumbas na kahihiyan ang ganitong uri ng serbisyo dahil namilit pa aniya ang gobyerno sa mga mamamayan na magparehistro ngunit matapos sundin ng maraming Pilipino ang nasabing panawagan ay wala namang Phil ID na maibigay.

“The National ID could have been the trusted card used for the speedy distribution of cash aid, fuel vouchers, health benefits and other basic services that Filipinos desperately need to help tide them over the challenging times,” ani Poe.

Iginiit ni Poe na sakaling magtuloy tuloy na ito ay malaking tulong aniya sa lahat upang mapadali ang anumang transaksyon. Nanawagan pa rin sya na patuloy na tangkilikin ang National ID program ng gobyerno.

Ayon sa datos, higit kalahati ng populasyon ang nagparehistro na at umabot na umabo SA 10 milyon ang nakakuha ng Phil ID.

“Filipinos have given the program a chance. It’s high time that the government does its share by delivering the National ID to our citizens without further delay,” dagdag ni Poe.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson na dating PNP chief, ang naturang ID ay makatutulong sa mga autoridad sa pagsugpo ng krimen gayundin sa pagkolekta Ng buwis.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na makatutulong ang national ID upang mapabilis ang kilos at transaksyon ng bawat isa.

Matatandaan na pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order no. 162 upang mapabilis umano ang anumang transaksyon ng sinumang Pilipino sa simpleng pamamaraan na magagamot sa pribado man o gobyerno ng taumbayan sa anumang transaksyon.