Imee Marcos

Mga senador kinondena bilyon pisong halaga na nag-expore na COVD vaccines

166 Views

TAHASAN GALIT AT PAGKADISMAYA ang naging tugon ni Senator Imee Marcos kahapon sa Department of Health (DOH) dahil na rin sa billion piso na pagsasayang ng mga ito matapos makumpirma na napakaraming Covid vaccines ang nasayang at itatapon na lamang bunga ng pagbibigay prioritasyon nila sa vaccination programng gobyerno.

Ayon kay Sen. Marcos, dapat umanong tigilan na ng DOH ang ganitong istilo na nagiging sanhi ng pagtatapon ng pera imbes na makatulong sa maraming mamamayan na nangangailangan ng covid vaccination. Ang reaksyon ni Marcos ay matapos maghain si Sen. Risa Hontiveros ng agaran pagpapaimbestiga dahil na rin sa mga nasayang na covid vaccination.

“It’s frustrating. What a waste. To the DOH, please open the vaccination program to all sectors. No more priority. Lets not waste vaccines.” Tugon ni Marcos sa isang interbyu kahapon.

Ayon kay Marcos, hindi sana mangyayari ang ganito kung naging bukas lamang ang isip ng DOH na wag bigyan ng limitasyon ang pagbibigay bakuna sa ilang sector lamang at ginawa sana aniyang “free for all” upang mabigyan tugon at bakuna ang boluntaryong humihingi nito.

“Please lang. Ibigay natin yan sa mga taong willing na mag pa vaccine. Huwag natin sayangin ang vaccine natin.” ani Marcos na nagsabing nakakalumo ang ganitong pangyayari lalot malaking halaga ang nawawala sa bansa gayundin sa mga taong sana lamang ay nabigyan agad ng vaccines na kailangan ng mga ito ngunit hindi makuha dahil sa mga limitasyon na itinadhana ng DOH para sa ilan sektor lamang.

Para naman kay Senator Cynthia Villar, ang nangyayaring pagtatapon na ito ay maiiwasan kung may tamang pagpaplano lamang ang ilan sangay ng gobyerno ukol sa pagbibigay ng bakuna sa covid.

Inamin ni Villar na sila man ay nagbigay din ng mga bakuna sa kanilang mga empleyado sa pribado nilang negosyo at talaga rin aniyang may ilan tapon ngunit kontrolado naman aniya ito.

Kamakailan lamang ay naghain si Sen. Hontiveros ng isang resolusyon upang imbestigahan ang hindi nagamit at nag expire na mga COVID-19 vaccines, kung ay tahasan niya itong kinondena.

Base sa report 5 hangang 13 bilyon peso ang nawala sa gobyerno dahil sa natapon na Covid 19 vaccines na umabot sa 4M hangang 27M matapos itong mapaso.

“Of course, may mga vaccines na alam nating hindi magagamit dahil sa iba’t ibang dahilan. May margin of error naman talaga. But in this case, goodbye agad sa halagang bilyun-bilyong piso? Mukhang magtatapon tayo ng pera at bakuna sa kabila ng mabilis nanamang pagtaas ng mga COVID-19 cases,” dismayadong pahayag ni Hontiveros.

Sa nasabing resolusyon, iginiit ni HOntiveros na dapat umanong managot ang mga autoridad na nasa likod ng pagsasayang na ito upang hindi na maulit muli ang ganitong insidente.

“Saan ba nagkamali o nagkulang sa proseso? Sa pagplano sa pagbili? Sa roll out? Sa paglabas ng guidelines? Bottom-line, sayang ang pera o supply, kanino man yan kasi. Kasi pinagtrabahuhan natin ang pondo na yan. Tapos, ang ending, itatapon lang pala?,” tanong ni Hontiveros.

 

“Napakaraming sektor na walang humpay sa paghingi ng ayuda sa gobyerno, tapos itong namamahala sa ating mga bakuna, magtatapon lang pala ng pera. Kung alam lang natin na ganyan ang kahihinatnan, dapat ibinigay na lang natin ang pondo sa ibang sektor na lubhang apektado ng pandemya, tulad ng mga magsasaka, mga mangingisda, mga drayber, at frontliners,” dagdag pa ng senadora.

Iniulat na mismong si Pangulong Marcos jr., ay binigyan ang DOH ng target na pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa 11 to 23M sa loob ng 100 araw niyang panunungkulan.

“Huwag sana nating sayangin ang tiwala at pagtatyaga ng ating mga kababayan na makiisa sa national vaccination drive. Kailangang maturukan ang ating mga kababayang nais maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Palaging inaanunsyo na ang dami-dami na nating bakuna, pero hindi naman sa procurement natatapos ang kwento. Baka naman may oversupply na tayo kaya may hindi nagagamit at nasasayang. Wag naman sanang ipangalandakan na dinaig pa nila si Asyong Aksaya. Dapat may managot dito,” giit ni Hontiveros.