Calendar
Mga senador, kongresista nakipagkita sa US delegation
NAKIPAGKITA ang mga senador at kongresista ng Pilipinas sa delegasyon ng Estados Unidos na dumating sa bansa.
Hinarap nina Sen. Imee Marcos at Reps. Rachel Arenas (Pangasinan), Stella Quimbo (Marikina), at Tsuyoshi Anthony Horibata (Camarines Sur) sina Rep. Seth Moulton (Massachusetts-Democrat) at Mike Waltz (Florida-Republican) sa West Room ng Manila Golf and Country Club noong Linggo.
Nangyari ang PH-US congressional delegations meeting matapos ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA) noong nakaraang buwan kung saan napag-usapan nila ang sitwasyon sa South China Sea at ang kahalagahan na mapanatili ang freedom of navigation at overflight sa lugar.
Ang pagkikita ng dalawang delegasyon ay nangyari kasabay ng isinasagawang joint military exercise ng Pilipinas at Amerika na nilahukan ng 2,550 US Marines at 630 sundalong Pilipino.
Ito ang kauna-unahang joint military exercise sa ilalim ng Marcos administration.
Dumalo rin sa exercise ang South Korea at Japan bilang mga observer.