Angara

Mga senador may kanya-kanyang opinyon sa isyu ng Charter change

374 Views

HATI ang mga senador sa isyu ng Charter Change o pagpapalit ng kasalukuyang Saligang Batas na naipasa nuong 1987 kung saan ay sinasabing posibleng talakayin na ito sa mga unang buwan ng 2024.

Ayon kay Senador Edgardo Angara, napapanahon na upang susugan at isakatuparan ang pagpapalit ng 1987 Constitution kung saan ay hiniling niya na dapat aniyang maging sinsero at tapat ang lahat ng mambabatas na gagalaw at makikiisa para sa Cha-cha.

Para kay Angara, ito na ang tamang panahon para pag-aralan ang mga economic provision na nakasaad sa 1987 Constitution lalo pa aniya at nalipasan na ito ng panahon sa dami ng pagbabagong naganap sa buong mundo sa nakalipas na ilang dekada na mula ng ito ay isagawang palitan.

Ipinaliwanag ni Angara na bagamat maraming administrasyon sa nakaraang panahon ang nagkaroon din ng ganitong mungkahi na palitan ang kasalukuyan saligang batas ay hindi naisakatuparan dahi sa kulang aniya ng tamang merito at benepisyo dapat ay nakapaloob dito partikular sa economic provision.

Para naman Senate President Juan Miguel Zubiri, medyo malabo ang pagtanggap ng karamihan aniya sa mga senador sa isyung pagpapalit ng kasalukuyang 1987 Constitution dahil na rin sa napakaraming mas importante bagay aniya na dapat talakaying kesa sa Cha Cha.

Ang usapin ng Cha Cha ay muling umugong dahil na rin kay House Speaker Martin Romualdez na nagsabing pag-aaralan ng Mababang Kapulungan ang posibilidad na ito lalo pa nga at hindi na napapanahon ang kasalukuyan saligang batas kung saan ay pagtutuunan ng pansin ang economic provision.

Ipinaliwanag ni Zubiri na ang economic provision partikular ang restrictive economic law ay napagtuunan na ng pansin at nabigyan na rin ng karampatan na lunas sa ilalim ng Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at ang Foreign Direct Investments Act.

Sinabi naman ni Sen. Francis Chiz Escudero na ang timing at intensyon sa pagpapalit ng saligang batas ay isang malaking considerasyon na titingnan ng taongbayan sa Kongreso.

Para sa bagong Senador na si Robinhood Padilla, chairperson of the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ang Cha-cha ay posibleng aniyang dumaan sa butas ng karayon lalo pa at walang isaman sa mga senador sa kasalukuyan ang pumirma para sa posibleng pagpapalit nito.

Si Padilla na nagtutulak sa Federalismo ay nag-file ng proposed Resolusyon ng dalawang kamara na tinawag na RBH No. 5, kung saan ay iminungkahi niya ang iba’t ibang mukha sa possibleng paggalaw at pagpapalit ng 1987 Constitution sa mga nahalal na opisyales tulad ng President, Bise President, mga senador, mambabatas sa Mababang Kapulungan at maging mga opisyales sa level ng barangay.