Cayetano

Mga senador sinusulong pagbuo ng DDR

189 Views

TUTUKURAN ng Senado ang pagbuo ng isang departamento na siyang mangangalaga sa kaligtasan na inaasahan sa panahon ng mga sakuna tulad ng nangyari lindol kahapon na umano’y umabot ng 7.3 sa Richter scale.

Sa isang privilege speech, sinusugan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang agarang pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience and Emergency Response na kanilang hihilingin sa Pangulong Ferdinando Marcos jr., na agaran bigyan tugon para sa kapakanan ng aniya ay nakararami.

Ayon kay Cayetano, napapanahon na para magtayo ng isang departamento na siyang aasahan na hahawak at mangangalaga para mabigyan ng tamang aksyon at tugon ang mga nasalanta ng lindol partikular sa parteng Norte.

Ang nasabing mungkahi ay sinuportahan naman ni Senate President Miguel Migs Zubiri na nagsabing hihilingin ito ng Senado sa pangulo upang matiyak na may mangangalaga at lalapitan ang mga taong nasalanta sa ganitong panahon.

Iminungkahi din ni Zubiri na magsagawa ng mga drill o pagsasanay sa iba’t ibang lugar na dapat aniyang pangunahan ni Pangulo Marcos sa Malakanyang upang matiyak na ang mga lugar na matanda na ay ligtas pa rin para sa karamihan na pumupunta dito at nag oopisina.

Sinabi naman ni Sen. Nancy Binay na dapat magdasal ang taumbayan at magtulungan para maiahon ang mga lugar na nasalanta ng lindol. Ito aniya ang panahon para maipakita sa bawat isa ang malasakit.

Kinumpirma naman ni Senator Imee Marcos na napakaraming parte sa Norte and Lubos na tinamaan kung saan ay nanawagan siya sa mga kababayan na maging maingat at mapag bantay sa mga pangyayari.

Kinumpirma ng Senadora mula sa Norte ang mga lugar tulad ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Vigan, Pangasinan, Laoag City, at mga karatig lugar nito tulad ng Sarrat, Apayao and Baguio sa Kennon ang lubhang napinsala.

Sinabi niyang tutungo siya kasama ang anak na si Rep. Matthew Marcos Manotoc upang tiyakin at makita kung anong sitwasyon sa mga naturang lugar.

Nanigurado rin siya na mismong si Pangulong Marcos Jr., ang maniniguro kung ano ang sitwasyon sa mga lugar na tinuran.

“As we pray for the safety of our people, especially in the north where the earthquake measured 7.3 on the Richter scale, we urge our local executives, PNP, NDRRMC and others to remain vigilant as aftershocks and storm surges or tsunamis are expected to follow. If necessary, preventive evacuation of coastal villages and landslide- prone zones should be undertaken swifly.” ani Sen. Marcos.

Dinagdag rin niya na maging ang ancient bell towers at mga simbahan ay tinamaan din.

“We will continue to monitor and assist all those in the area. Nasira ang mga antique belltower ng Bantay at Laoag, pati simbahan sa Sarrat at iba pa. Maging ang heritage houses, yung iba natumba, ganundin infrastructures kabilang ang Kennon, Paraiso, Pagudpud, Ilocos Norte at Apayao. Brownout na dahil napinsala rin ang electrical transformers at transmission lines” dagdag pa rin ni Marcos.

Nais naman ni Ramon Bong Revilla na bigyan ng tamang inspeksyon ng Department of Public Works and Highways ang mga lugar at imprastruktura at gusali na kailangan umanong bigyan ng pansin.

Sinabi naman ni Senator Robin Padilla na ang nangyaring lindol ay isang mabuting panawagan upang siguruhin ng lokal na pamahalaan ang kani kanilang gusali.

Iginiit din niya na dapat mas bigyan halaga ang pagsasabuhay ng Medical Reserve Corps at mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) na tinutulan mismo ni President Ferdinand Marcos Jr. na kanyang sinabi sa kanyang SONA.

“Siguro ang palakasin muna natin kasi meron tayong mga regional disaster (response), na nandiyan na sila. Palakasin natin sila, bigyan ng pondo. Ang gusto ko lang imungkahi palagi, bigyan natin ng kalayaan ang regional na magdesisyon sa sarili nila. Kasi ang pagresponde depende kung sinong teritoryo kung sino taga doon mas alam nila (What we should strengthen first is our regional disaster response. Beef up funding if needed. Give them the autonomy to make decisions because they are the ones most familiar with their areas of responsibility),” ani Padilla.

Si Padilla na nasa loob ng gusali ng lumindol ay agaran na lumabas matapos silang tawagan ng Senate Sergeant at arms na agad silang pinalikas sa loob ng gusali.

“Nakita ko ang tuwalya gumaganun sabi ko lumilindol. Sinabi ko sa kasama ko lumilindol ha, walang magpa-panic (I saw the towel swaying and I thought there is a quake. I told my staff that there is a quake, but told them not to panic),” ani Padilla.

Kinatigan naman ni Senator Joseph Victor JV Ejercito ang planong pagkakaroon ng Department of Disaster Relience dahil umano sa punto na nsa loob tayo ng citing the fact that the Philippines is within the Pacific Ring of Fire.

Para naman kay Sen. Manuel Lito Lapid lubhang nakalulungkot ang mga pangyayari.

“Patuloy po nating ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga apektado. Hinihimok ko rin ang ating mga kasama sa local at national government na magsagawa ng agarang inspection sa mga imprastruktura upang masiguro na ligtas ang lahat. I also urge the national government to provide all possible assistance to those adversely affected by the earthquake. ani Lapid DS kanyang tweeter.