FIBA World Cup President Marcos at NBA legend Dirk Nowitzki kasama ang ibang mga VIP guests.

Mga sikat dumalo sa FIBA World Cup opening

Robert Andaya Aug 27, 2023
187 Views

NAKI-LAHOK, naki-hiyaw at naki-saya ang madaming mga personalidad mula pulitika, entertainment at sports sa ginawang pagbubukas ng FIBA World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kamakailan.

Sa pangunguna ng No. 1 sportsman ng bansa na si President Marcos, nagsilbing malaking inspirasyon ang mga ito hindi lamang sa madaming mga manonood kundi pati na din sa mga players ng iba’t ibang mga bansang kalahok.

Ang nasabing pagdalo ng mga nasabing sikat na personalidad ay naging bahagi na din ng kasaysayan, na kung saan binura ng bansa ang matagal ng FIBA attendance record sa dami ng nga manonood.

Kabilang sa star-studded cast na nanood sa labanan ng Italy at Angola at Dominican Republic at Pilipinas sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang kanyang boyfriend-actor na si Sam Milby, movie/TV actress Maja Salvador at ang kanyang a asawa, actor-sportsman Gerald Anderson, volleyball star Kianna Dy. TV host Gretchen Ho. at comedian Jose Manalo.

Si Gray ay nagsisilbi ding FIBA World Cup local ambassador, samantalang si Anderson ay kilala din bilang isang mahusay na basketball player sa MPBL.

Kasama ni Salvador na dumating ang kanyang asawa na si Rambo Nuñez, habang si Dy ay dumalo upang magpakita ng suporta sa kanyang boyfriend na si Dwight Ramos ng Gilas Pilipinas.

Sinamahan naman si President Marcos ng kanyang mambabatas na anak na si Rep.Sandro Marcos, ng Ilocos Norte, at House Speaker Martin Romualdez
Samanatala, dumalo din upang manood sa mga laro si NBA legend at FIBA Ambassador Dirk Nowitzki ng Germany.

Kumpleto din ang local sports world sa pagpapakita ng suporta

Nanood din sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan at San Miguel Corp.president Ramon S. Ang, kasama sina PBA commissioner Willie Marcial, SBP president Al Panlilio, vice president Ricky Vargas, ABAP president Robbie Puno atSan Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua.

Nandun din sina dating Gilas standouts LA Tenorio at Larry Fonacier, dating Gilas coach Tab Baldwin at Steve Watson at assistant coach Nemie Villegas , na kapwa miyembro ng 1978 Philippine team.

Sa kabuuan, umabot sa 38,115 fans ang nanood sa opening-day games, na kung saan tinalo ng Italy ang Angola at naungusan ng Dominican Republic ang host Philippines sa 55,000-seat Bulacan venue.

Binura ng bagong attendance record ang dating World Cup record na 32,616 manonood na sumaksi sa 132-91 panalo ng United States laban sa Russia sa 1994 World Cup final sa SkyDome sa Toronto, Canada.