Calendar
Mga supermarket pumayag na ibaba sa P70 bentahan ng kada kilo ng asukal
PUMAYAG ang mga malalaking supermarket na ibaba sa P70 ang presyo ng kada kilo ng asukal, ayon sa Office of the Press Secretary.
Nangyari ito matapos atasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Executive Secretary Victor Rodriguez na makipag-usap sa mga may-ari ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket, at Puregold Price Club.
Ang kasalukuyang bentahan ng asukal ay P90 hanggang P110 kada kilo.
Ayon kay Rodrguez pumayag ang SM na ibenta ang kanilang washed sugar sa halagang P70 kada kilo habang ang Robinsons at Puregold ay na nangako na magbenta ng tig-1 milyong kilo ng asukal sa halagang P70 kada kilo.
Sinabi ni Rodriguez na nagpapasalamat ang Pangulo sa pagpayag ng mga malalaking kompanya ng tindahan na ibaba ang presyo.
“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” sabi ni Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez magbabantay din ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng asukal upang matukoy kung sumusunod ang mga ito sa napagkasunduan.