Mga tauhan ng BuCor iniimbestigahan sa naipuslit na gamit sa selda

163 Views

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay ng mga tauhan nito na nagpasok o nagpapasok ng mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. nakukumpiska ng mga patalim, cellphone, iligal na droga at 7,500 lata ng beer sa loob ng NBP.

Sinabi ni Catapang na mayroon ng mga preso na kumanta na kung sinu-sino ang mga nagpasok o nagpapasok ng kontrabando.

Sa loob ng kulungan ang presyo umano ng beer ay umaabot sa P1,000 kada lata.