Poa

Michael Poa kinumpira na di na kontektado sa OVP

37 Views

KINUMPIRMA ni Atty. Michael Poe na hindi na siya spokesman ng Office of the Vice President (OVP).

Ito ang inilahad ni Poa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagiimbestiga sa umano’y maling paggastos ng P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.

“I would like to inform the Honorable Committee that I am no longer connected with the Office of the Vice President. Hindi na po ako … Yung consultancy contract ko po was already pre-terminated, Your Honor,” tugon ni Poa nang matanong ng chairman ng komite na si Manila Rep. Joel Chua.

Nauna ng inabi ni Poa sa komite na sina VP Duterte at dating DepEd Senior Disbursing Officer Edward Fajarda ang may tanging kapangyarihan sa pamamahala ng confidential funds ng DepEd.

Si Poa ay naalis sa OVP matapos nitong sabihin sa nakaraang pagding na sina Duterte at Fajarda ang may direktang kontrol sa confidential fund, bagay na nakuwestyon dahil sa mekanismo ng DepEd para maging transparent at magkaroon ng pananagutan sa paggamit ng confidential fund.

Sinabi ni Poa na-pre terminate ang kanyang kontrata na sa Disyembre pa dapat matatapos.

Sa pagdinig nitong Martes, natanong si Poa kaugnay ng mga opisyal ng OVP na hindi dumadalo sa pagdinig ng komite.

“Your Honor, when I was still there, yes, they were connected with the OVP. Although as of today, hindi ko na po talaga masabi factually if they are still connected or not. I would assume, because of the position paper with the letterhead, that they’re still connected,” ani Poa.

“But I cannot confirm that because nagpaalam po ako na umalis prior pa po to the previous hearing that we had,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga opisyal na ito sina OVP chief of staff Zuleika Lopez, Lemuel Ortonio, Atty. Rosalynne Sanchez, Julieta Villadelrey, Gina Acosta, Atty. Sunshine Fajarda at Edward Fajarda.

Bilang spokesperson, sinabi ni Poa na trabaho niyang harapin ang mga tanong ng media ngunit wala aniya siyang papel sa mga pagdedesisyon sa paggamit ng confidential fund.