Barbers

Michael Yang aanyayahan sa susunod na pagdinig ng Committee on Dagnerous Drugs -Barbers

Mar Rodriguez May 16, 2024
96 Views

AANYAYAHAN sa susunod na pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs ang dating Presidential Economic Adviser ni ex-Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Michael Yang kaugnay sa P3 billion drug bust sa Mexico, Pampanga.

Ayon kay Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Rober Ace “Alas” S. Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, lumabas sa kanilang mga pagdinig na ang Empire 999, ang kompanyang may pag-aaring warehouse kung saan iniimbak ang mga illegal na droga ay pag-aari ng mga Chinese nationals.

Idinagdag pa ni Barbers na natuklasan din nila sa kanilang mga pagdinig na ang mga naturang Chinese nationals ay mayroong pag-aari ng Shell gas station kabilang na ang iba pang personalidad na dati ng naugnay sa iba’t-ibang ma-anomalyang gawain umano sa nakaraang Duterte administration.

Sinabi din ni Barbers na matapos ang maingat na imbestigasyon ng kanilang komite natuklasan sa huling pagdinig noong May 8, 2024 na si Lincoln Ong na dati ng nasangkot sa Pharmally scandal at interpreter ni Michael Yang ang incorporator ng kompanya na may kaugnayan naman sa iba pang kompanya kabilang na ang Empire 999.

Ipinaliwanag pa ni Barbers na sa pamamagitan ng power point presentation naiugnay si Michael Yang kay Lincoln Ong kung kaya’y nag-motion ang chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Santa Rosa Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez na anyayahan sa susunod na hearing si Yang.

‘This matter has now gone from simple illegal drug smuggling to a national security concern. We need to establish the link between these companies and Michael Yang, the financer of Pharmally,” sabi ni Barbers.