Calendar

Michelle bagong house guest ni Kuya
Lumabas na nga ng Bahay ni Kuya ang magka-duo na sina AC Bonifacio at Ashley Ortega o ACLey sa eviction night ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” last Saturday night.
Sila ang kauna-unahang celebrity evictees sa naturang reality show matapos makakuha ng pinakamababang boto na 17.25%.
Naligtas ang duo nina Michael Sager at Ralph de Leon (RaMi) na nakakuha ng 45.89% of votes at sinundan nina Will Ashley at River Joseph (WilVer) na nakakuha naman ng 36.87% .
Hindi napigilan nina AC at Ashley ang maging emosyonal nang malaman ang naging resulta ng botohan. Bago sila tuluyang lumabas ng Bahay ni Kuya, nagbigay muna ng message sa kanila si Big Brother.
“Sa paglabas n’yo ng aking bahay, nawa’y bitbitin n’yo ang mga aral at karanasan upang magpatuloy sa totoong hamon ng buhay.
“Even through the deepest hurt, may you find strength in forgiveness to heal and move forward,” ang payo ni Big Brother.
Paglabas ng PBB house ay sinalubong ang dalawang evictees ng mga host ng programa.
Nasaksihan din ng madla ang mahigpit at emosyonal na yakapan ni Ashley at ng boyfriend niyang si Mavy Legaspi, isa sa “PBB” online hosts.
Samantala, matapos lumabas ng dalawa sa Bahay ni Kuya, in-announce naman ang pagpasok ng aktres at beauty queen na si Michelle Dee bilang house guest.