Calendar
Micro bangs ni Kaila agaw-eksena
Natutuwa si Kaila Estrada sa natatanggap na magandang comments tungkol sa kanyang micro bangs na napapanood sa “Incognito.”
Dahil nga sa positive comments tungkol sa kanyang hair style bilang Max sa nasabing serye ay marami na ang gumagaya nito.
“Sobrang kinikilig din ako ‘pag nakakita ako na may gumagaya sa bangs ni Max. Naawa ‘ko sa mga ibang bata, sa totoo lang. Kasi parang sumobra ‘ata ng iksi ‘yung mga ibang bangs nila,” sey ni Kaila sa recent interview.
Ayon sa aktres ay siya mismo ang nag-isip ng hairstyle niya para sa kanyang karakter sa ‘Incognito.’
“Honestly, matagal kong pinag-isipan kung anong hairstyle ko as Max. (There is) a lot of back and forth din with our head makeup artist and yung Star Creatives kung paano natin iibahin yung itsura ni Max. It was a very, it was risky, the decision to do micro-bangs, especially kasi hindi nakikisama ang bangs sa mga action scenes,” aniya.
Kaya naman super-happy siya na nagustuhan ng mga tao ang kanyang pa-bangs.
“I’m very grateful and I’m very flattered na nauuso na ang micro-bangs ngayon. And maganda ang feedback ng mga tao sa bangs. I would love that more than if people hated it,” sey ng aktres.