Mid-year bonus ng mga kawani ng gobyerno ibibigay na

148 Views
INANUNSYO ng Department of Budget and Management (DBM) na sisimulan na ang pagbibigay ng mid-year bonus ng mga empleyado ng gobyerno simula sa Mayo 15.
“I am happy to announce that our civil servants will be receiving their mid-year bonus this year, as provided in the agency-specific allocation under the 2023 General Appropriations Act or GAA,” sabi ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman.
Ang mid-year bonus ay kasing halaga ng isang buwang basic pay ng mga empleyado.
“So, we are reminding all government agencies and offices to ensure the timely release of bonuses to their employees or as stipulated in our existing rules and regulations,” ani Pangandaman.
Ang mga makatatanggap ng mid-year bonus ay ang mga kawani na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1, 2022 hanggang Mayo 15, 2023.