Diokno

MIF aarangkada sa Disyembre—Diokno

205 Views

MAYROON umanong pondo ang Maharlika Investment Fund (MIF) kaya kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na aarangkada na ito sa Disyembre.

“It is safe to say that the fund is well capitalized at the very start and we can start by the end of the year,” ani Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ayon sa kalihim, idineklara ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dibidendo sa P31.859 bilyon na gagamitin bilang inisyal na pondo ng MIF.

Ang board naman ng Land Bank of the Philippines ay nagdeklara ng P50 bilyong investment sa MIF, alinsunod sa Republic Act No. 11954.

“It is reasonable to expect that the Maharlika Investment Fund will be up and running before the end of 2023,” dagdag pa ni Diokno.

Habang hindi pa umano nabubuo ang Maharlika Investment Corp. (MIC) na siyang mangangasiwa sa MIF ang pondo ay itatago muna ng National Treasury.

Sinabi ni Diokno na inaasahang matatapos na ang implementing rules and regulation ng RA 11954 bago matapos ang Agosto.