Armas Nakumpiska ang mga matataas na kalibreng baril matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at mga rebelde sa Uson, Masbate nitong Linggo (Hulyo 27, 2025).Pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa nasabing sagupaan. Source: 91D

Militar vs rebelde: 7 NPAs utas

Zaida Delos Reyes Jul 28, 2025
248 Views

PITONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo noong Linggo sa Brgy. San Mateo, Uson, Masbate.

Ayon kay Maj. Frank Roldan, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, tumagal ng 30 minuto ang bakbakan na nagsimula dakong alas-6:00 ng umaga sa Brgy. San Mateo, Uson.

Kinilala ni Roldan ang mga nasawing rebelde na kasapi ng regional party committee ng NPA sa Bicol region.

Bahagi ng hot pursuit operation ng militar ang bakbakan kasunod ng pagkasawi ng dalawa pang rebelde sa unang engkwentro noong nakaraang linggo.

Walang nasaktan sa panig ng militar sa nasabing engkwentro.

Narekober sa pinangyarihan ng labanan ang M16 rifles, M203 grenade launchers at iba pang gamit pandigma.

Tinatayang nasa 50 na lang ang armadong pwersa ng grupo sa Masbate, isa sa mga pinakamahihirap na lalawigan sa bansa.