Calendar
Mindoro sinuwag ang Pasay
UMASA ang Mindoro Tamaraws sa mga heads-up plays nina Ken Bono, Andres Desiderio at John Jerrick Caspe para pabagsakin ang Pasay Voyagers, 96-88, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Ang 6-5 na si Bono, na tinaghal na 2006 UAAP Most Valuable Player (MVP), ay nagtala ng 25 points, five rebounds at three assists para pangunahan ang Tamaraws sa kanilang ika-apat na panalo laban sa anim na talo.
Dahil dito, hinirang na “Best Player of the Game” si Bono.
Nakatulong niya sina Desiderio, na nag-dagdag ng 21 points, six rebounds at four assists, at Caspe, na nag-ambag ng 21 points, seven rebounds at two assists.
Ang Pasay, na bumaba sa 5-4, ay pinamunuan nina Patrick Sleat, Laurenz Victoria at Warren Bonifacio.
Si Sleat ay may 29 points, three reobunds, three assists at three steals; si Victoria ay may 18 poingts, eight rebounds at five assists; at si Boifacio ay may 15 points, seven rebounds at two assists.
The scores:
Mindoro (96) — Bono 25, Caspe 21, Desiderio 21, Teodoro 9, Ariar 6, Rios 6, Reyes 4, Estrella 2, Pableo 2, Lopez 0, Olivares 0, Aquio 0, Vaygan 0, Huerto 0, Pena 0.
Pasay (88) — Sleat 29, Victoria 18, Bonifacio 15, Reverente 6, Inigo 5, Coronel 5, Tabi 4, Ramirez 3, Hilario 3, Sienes 0, Aguirre 0, Salenga 0, Caballero 0, Lustina 0, Quilatan 0.
Quarterscores: 24-18, 48-44, 73-63, 96-88