Baboy

MinOr kumilos para bilang ng baboy dumami

Helen D. Prado Jul 19, 2025
21 Views

MATAPOS ang konsultasyon sa iba’t-ibang samahan at organisasyon ng hog raisers, minabuting pansamantalang buksan ang mga pantalan sa pagpasok ng mga breeder pig at processed semen sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Gov. Bonz Dolor, layunin nito na mapanumbalik ang bilang ng baboy sa lalawigan at mapababa ang presyo.

“Nawa’y makiisa tayo sa panuntunan at mga regulasyon upang mapagtagumpayan natin ito. Ang kaligtasan ng isa, kaligtasan ng lahat,” sabi ng opisyal.