Calendar
MinOr may transparency, integrity
ORIENTAL MINDORO–Tiniyak ng lalawigang ito na may transparency, accountability at integrity ang pamamahala sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Bonz Dolor.
Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyon ni Dolor para sa susunod na taon.
Sandigan ng mga mamamayan ng Oriental Mindoro pagdating sa maagap na tulong medikal ang Governor’s Social and Medical Assistance Center (GSMAC).
Layunin nitong matulungan ang mga kababayang may suliraning pinansyal, lalo na pagdating sa gastusin sa mga ospital at mga gamot at iba pang mahahalagang pangangailangan.
Nakatuon ang GSMAC sa pagpapalawak at pagpapabuti ng mga programa upang mas maraming Mindoreño ang makinabang sa mga tulong pinansyal para sa serbisyong medikal.

