Calendar

Minor na pagsabog naitala sa Bulkang Taal
NAKAPAGTALA ng minor phreatomagmatic eruptive activity nitong ang Bulkang Taal nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagsabog na nangyari sa pagitan ng alas 3:01 at 3:13 ng hapon ay lumikha ng ‘steam-rich plume’ na tumaas ng humigit-kumulang 2,400 metro bago lumipad sa timog-silangan.
Ang phreatomagmatic eruption ay nangyayari kapag ang magma ay nakipag-ugnayan sa tubig, na gumagawa ng singaw, abo, at paminsan-minsang fragmented volcanic material.
Sinabi ng Phivolcs, mula noong Hunyo ay naglalabas na ng mababang antas ng sulfur dioxide (SO₂) ang Bulkang Taal.
Pinaliwanag pa ng ahensiya na na ang kumbinasyon ng elevated na seismic energy at ang kawalan ng degassing ay maaaring magpahiwatig ng pagbara sa mga gas pathway ng bulkan, na maaaring humantong sa panandaliang pressure at mag-trigger ng phreatic o minor phreatomagmatic eruptions.
Nanatili namang nasa Alert Level 1 ang Taal, na nagpapahiwatig ng abnormal na aktibidad ng bulkan.
Muling iginiit ng Phivolcs na ang biglaang steam-driven o minor phreatomagmatic eruption, ashfall, at mapanganib na akumulasyon o expulsion ng volcanic gas ay mananatiling posible at maaaring makaapekto sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island (TVI).
Pinayuhan ang publiko na huwag pumasok sa TVI, partikular na malapit sa Main Crater at sa Daang Kastila fissure, na permanenteng danger zone.