Gonzales

Misis ni Rep. Boyet Gonzales naghain ng COC para pumalit sa kaniya sa Kamara

Mar Rodriguez Oct 9, 2024
70 Views

Gonzales1Gonzales2Gonzales3ANG pagbabalik!

Ganito ang eksenang naganap sa Mandaluyong City matapos maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si dating Mandaluyong City Lone Dist. Rep. Alexandra “Queenie” Pahati-Gonzales para muling kumandidatong kongresista ng naturang Lungsod dahil mapapaso na ang termino ng mister nitong si Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II.

Sa paghahain nito ng kaniyang COC sa Commission on Elections (COMELEC) National Capitol Region (NCR) office headquarters sa San Juan City. Sinamahan si Pahati-Gonzales ng kaniyang kabiyak (Boyet Gonzales).

Sakaling palarin si Pahati-Gonzales na muling maluklok sa Kamara de Representantes bilang panibagong Kinatawan ng Mandaluyong City. Nabatid sa dating mambabatas na sisikalin nitong ipagpatuloy ang “legacy” ng Gonzales family sa pamamagitan ng pagbibigay ng natatanging serbisyo para sa libo-libong mamamayan ng naturang Lungsod.

“I am deeply honored to have the opportunity to serve the people of Mandaluyong one again,” sabi ni Gomzales na dating TV ng Channel 5.

Ayon pa sa kaniya, napakarami pa umanong trabaho, proyekto at programang kailangang gawin para sa pagsusulong ng kapakanan at kagalingan (welfare) ng mga residente ng Mandaluyong City na mayroong direktang impact sa kanila sapagkat nagbibigay ito ng aniya ng napakalaking benepisyo sa kanilang buhay.

“There is still so much work to be done, and I am dedicated to continuing the initiatives that have a direct impact on the lives of our constituents,” dagdag pa ni Pahati-Gonzales.

Nauna rito, dati ng nanungkulan bilang Kinatawan ng Mandaluyong si Pahati-Gonzales mula 2016 hanggang 2019 na sa kabila ng pagiging baguhan nito ay mabilis naman ang pag-angat ng kaniyang popularidad matapos na mahalal bilang Deputy House Majority Leader sa Kamara de Representantes.