Calendar
![MJ](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/MJ.jpg)
MJ, boga, bala nasamsam mula sa van; bentahan naunsyami
BARIL, bala at marijuana ang nakumpiska sa inabandonang Hi Ace van ng babaeng suspek na tulak at kanyang kasama sa Brgy. Batong Malake, Los Baos, Laguna, Miyerkules ng madaling araw, Feb. 12, 2025.
Sa report na ipinadala kay OIC Laguna Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang nakatakas na suspek na si Alyas Nixie ng Brgy. Calo, Bay, Laguna at isang John Doe.
Ayon sa Los Banos police, nagsagawa ng drugs operation ang kanilang operatiba laban sa mga suspek dakong alas 1:15 ng madaling araw sa Purok 1, Brgy. Bato Malake.
Habang isinasagawa ang transakyon, nakahalata ang mga suspek na operatiba ang kausap kung kaya’t mabilis tumakas ang mga ito subalit namaril muna.
Sa follow-up operation, iniwan ng mga suspek ang Hi Ace van na may plakang NAR 6300 sa Rockwell Subdivision ng nasabing barangay.
Narekober sa loob ng van ang dalawang piraso ng sealed transparent plastic na naglalaman ng marijuana na nagkakahalaga ng P240, 000.00 gayundin ang 240 gramo na may halagang P30,000, .38 caliber pistol, limang bala, isang basyo . at pulang backpack.
Nahaharap sa paglabag ng Section 11 of RA 9165 and RA 10591 in relation to the Omnibus Election Code ang tumakas na mga suspek.