Pateros

MMDA ipinasa sa Pateros 3 infra na kanilang nirehab

Edd Reyes May 16, 2025
13 Views

Pateros1TATLONG malalaking imprastraktura na inayos at isinailalim sa rehabilitasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinamahala na ng ahensiya sa Pamahalaang Bayan ng Pateros Biyernes ng umaga.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang inagurasyon at unveiling ng marker ng Pateros Town Plaza, Municipal Hall Grounds, at Pateros Elementary School Multi-Purpose Hall sa harap ng Municipal Hall, kasama si Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III.

Ang naturang proyektong pagpapaunlad ay nakalinya sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng maayos na pamamahala na layuning mapabuti ang kagalingan ng bawa’t indibiduwal, grupo, pamilya, komunidad, at ng buong lipunan.

Sabi pa ni Artes, ang pagsasaayos ng mga ganitong imprastraktura ay nakakapagsigla sa pakikipag-ugnayan sa lipunan sa pagitan ng mga residente at kawani ng munisipalidad, bukod pa sa nakakapagpatatag ng ligtas at magandang kapaligiran sa mga mag-aaral

“Through this rehabilitation, we aim to restore integrity of the structures and establish a solid foundation for the residents of Pateros. We at the MMDA will continue to assist and support Pateros in all possible ways,” pahayag ni Artes sa kanyang pagsasalita.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Ponce sa MMDA sa kanilang todo-suportang magkaloob ng pangunahing serbisyo sa publiko.

“I would also like to express my gratitude to MMDA for their diligent efforts in providing a strong and comfortable environment towards improving the quality of life of our community,” sabi naman ni Ponce.

Naisagawa ang rehabilitasyon sa inisyatiba ni dating MMDA Chairman Atty. Benjamin Abalos, Jr.