Cesar

MMFF isinagawa espesyal na pagpapalabas ng Jose Rizal sa SM Manila

Edd Reyes Sep 28, 2024
125 Views

ArtesSINIMULAN na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang espesyal na pagpapalabas ng mga naging bantog na pelikulang ginawa sa loob g 50-taon na kalahok sa festival sa halagang P50 bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanilang ika-50 taon edition.

Ang espesyal na pagpapalabas sa pelikulang “Jose Rizal” ay isinagawa sa SM Manila sa Lungsod ng Maynila na punong-abalang lungsod ngayong taon at layuning kilalanin ang pelikulang may pinakamaraming tinanggap na parangal na nakatulong ng malaki sa paghubog ng MMFF at sa mga sinehan sa loob ng maraming taon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at Overall Concurrent Chairman ng MMFF Atty. Don Artes, ang “Jose Rizal” ang nagsilbing kinatawan sa pangako nilang makapagpalabas ng mga makasaysayang pelikula at makabuluhan sa kultura.

“In showcasing this film today, we not only celebrate the exceptional talent and artistic excellence of our filmmakers and artists, but also emphasize the importance of storytelling in preserving our history and culture,” pahayag ni Artes.

Isinalarawan sa pelikulang “Jose Rizal” ang buhay at kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na isinulat ni National Artist Ricky Lee, sa direksiyon ng mahusay na film director Marilou Diaz Abaya at ginampanan ng batikang aktor na si Cesar Montano.

May kabuuang 50 pelikulang tumatalakay sa iba’t-ibang uri ng buhay mula sa komedya, aksiyon, drama, horror, romance, adventure, historical, musical, at fantasy na puwedeng pagpilian ng mga manonood sa mga piling sinehan sa buong bansa na tatagal hanggang Oktubre 15.

Ayon kay Chairman Artes, ang ilang matatagal ng pelikula ay sumailalim pa sa muling pagpapanumbalik sa dati at pagpapahusay sa kalidad upang masiyahan ang mga manonood habang ang iba naman ay pinanatili sa orihinal na kalidad upang madama ang tunay na pakiramdam sa mga nakaraan.