Mobile Apps na “Para sa Pilipino” para sa paghahatid ng mga gov’t services sa publiko iminungkahi

Mar Rodriguez Apr 12, 2023
305 Views

UPANG maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayang Pilipino. Iminumunkahi ng isang Metro Manila congressman ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pamamagitan ng “mobile application” para maiparating sa publiko ang mga programa at ibinigay na serbisyo ng gobyerno.

Isinulong ni Taguig-Pateros 1st Dist. Congressman Ricardo S. Cruz, Jr. ang House Bill No. 7695 sa Kamara de Representantes upang magkaroon ng Mobile Application o “Para sa Pilipino Mobile Apps” na naglalayong epektibong maipa-abot sa mamamayan ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan.

Aminado si Cruz na ang kapangyarihan ng makabagong teknolohiya ang isa sa nakikita niyang pinaka-mabisang pamamaraan para maiparating sa publiko ang mga government services at programa nito. Kabilangan na dito ang mga kasalukuyang programa ng administrasyong Marcos, Jr.

Sinabi pa ni Cruz na ang isa mga humahadlang para matamo ng gobyerno ang layuning ito ay ang talamak na “red tape”. Kung kaya’t maraming mamamayan ang walang kaalam-alam sa mga programang isinusulong ng goyerno habang ang iba naman ay dismayado sa sistema ng pamahalaan.

Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan ng “Para sa Pilipino Mobile Apps”. Hindi lamang mabibigyan ng sapat na impormasyon ang publiko kaugnay sa mga programa ng gobyerno. Bagkos, maipaparating din sa publiko ang distribution ng mga tulong (cash aid) at iba pang uri ng assistance.

“The proposed mobile application would promote the financial inclusion of the most vulnerable sectors of society through the adoption of an expedient means of distribution of aid and other assistance,” ayon kay Cruz.

Ipinaliwanag pa ni Cruz na sa pamamagitan ng nasabing Mobile Apps. Magiging madali at mabilis na ang anomang transaksiyon ng publiko sa pamahalaan. Kabilang dito ang “digital payment”, Electronic money (e-money) at iba pa. Sapagkat “contactless” na ang magiging sistema ng pamahalaan.