Garay

Moderna magtatayo ng vaccine making facility sa PH

159 Views

MAGTATAYO ang pharmaceutical at biotechnology company na Moderna ng vaccine making facility sa Pilipinas.

Sinabi ito ng mga opisyal ng Moderna sa kanilang pakikipag-usap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington DC.

Ayon kay Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President and General Manager Patrick Bergstedt isang “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” ang kanilang nais na itayo sa bansa na magbibigay ng trabaho sa mga health professional.

Sinabi ni Garay na ang itatayong shared service facility ay siyang panggagalingang ng kanilang mga produkto na isusuplay sa buong Asia Pacific Region.

“We are really excited to have selected the Philippines for the third one primarily because you know the capabilities exist. We have the talent that exists, and we know that the partnership will be one that can be beneficial for both Moderna and the Philippines,” ani Garay.

Ayon kay Bergstedt mayroong mga ibang bansa na nag-alok ng shared services subalit ang Pilipinas ang napili ng Moderna.

Ang Moderna ang isa sa mga kompanya na nakagawa ng bakuna laban sa Covid-19.