BBM1

Modernisasyon ng Armed Forces kailangan—PBBM

215 Views

BINIGYAN-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng bansa hindi lamang upang madepensahan ang teritoryo ng bansa kundi upang maging handa sa mga paparating na kalamidad.

“While we strive to live in peace with others, it is still crucial that our Armed Forces be modernized so that it is ready for all eventualities,” sabi ng Pangulo. “It is for this reason, that we strengthen our country’s capabilities in territorial defense, counter-terrorism, and internal security.

Ipinunto ng Pangulo na ang pagkakaroon ng modernong defense system ay magpapalakas din sa kakayanan ng gobyerno na tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Pinuri rin ng Pangulo ang pagbili ng Philippine Air Force (PAF) ng bagong Ground Based Air Defense Systems at C-295 Medium Lift Aircraft.

Pinasalamatan ni Marcos ang Israel at Spain sa pagtulong sa Pilipinas na mapalakas ang defense system nito.