Calendar
Modernong health laboratory, pinasinayahan ni Mayor Honey Lacuna
PINANGUNAHAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pagpapasinaya sa modernong pampublikong health laboratory Miyerkules ng hapon sa Quiricada St. Sta Cruz, Manila.
Mapagsisilbihan ng libre ng bagong health laboratory ang mga Manilenos’ na nangangailangan ng laboratory at medical testing, pati na ng kinakailangang sertipikasyon.
“Unknown to the malicious critics, paid trolls, and clout-chasing vloggers, who weeks ago took advantage of the situation at UST, the city hall and the Manila Health Department have been quietly and patiently working on building this new laboratory since 2022,” pahayag ng alkalde sa kanyang pagsasalita.
“When I was vice mayor and presided over the city council in 2021, the capital outlay budget for this lab was put in the 2022 city budget in the amount of P274.936 million. Additional funds of P30.5 million came in 2023 when I was already mayor, and DOH regulatory approvals were processed in 2024. All the while, we worked to build this laboratory for Manileños,” dagdag pa ng alkaldeng doktora.
Binigyang diin ng alkalde na ang bagong laboratoryo ay isang matagumpay na nagawa ng kanyang administrasyon para sa mga Manileños at sa mga nagnenegosyo sa Maynila. Ang Manila Health Department aniya ay binigyan nila ng P20 milyong pisong budget para sa taong 2025 upang magugol sa pagkakaloob ng laboratory services.
“Ang pagbubukas nitong bagong gawang Public Health Laboratory ay isang kongkretong testamento ng ating prayoridad sa kalusugan ng mga kapwa nating Manileño. Salamat sa suporta ng Department of Health, ang atin pong bagong pasilidad ay nabigyan ng License to Operate. Tapat at totoo nating masasabi na hindi tayo gumastos lang para may maipagmayabang. Ito po ay mapapakinabangan natin bilang isang tertiary clinical laboratory, drug testing laboratory, at laboratory for drinking water bacteriological analysis, at marami pang iba,” paliwanag pa ni Lacuna.
“Ang lahat po nito ay bahagi ng ating patuloy na pagpupursige at pagbibigay ng dekalidad na serbisyo diretso sa tao,” dagdag pa niya.