Magsino

Moratorium sa nursing program posibleng ipawalang bisa –Party List

Mar Rodriguez Nov 24, 2022
312 Views

INIHAYAG ngayon ng Overseas Filipino Workers (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes na posibleng ipawalang bisa (lifting) na ng Commission on Higher Education (CHED) ang moratorium sa Bachelor of Science in Nursing o BS Nursing program.

Sinabi ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” Magsino na nagkaroon sila ng “online policy dialogue” sa CHED kabilang na ang mga stakeholders mula sa nursing profession kaugnay sa agaranbg pagpapawalang bisa (lifting) ng moratorium sa BS Nursing program.

Ipinaliwanag ni Magsino na ang pangunahing naapektuhan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ang kakulangan ng mga health workers partikular na ang mga nurses dahil maraming bansa ang nangangailangan ng mga nurses. Habang ang buong mundo ay nasa ilalim ng “health crisis”.

Ikinagalak din ni Magsino ang pagpapawalang bisa sa moratorium sa BS Nursing program matapos itong mapag-desisyunan ng CHED. Bunsod narin ng lumalaking demand o pangangailangan ng mga Filipino nurses hindi lamang aniya sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Ayon sa kongresista, nangngailangan ang Pilipinas ng tinayatang 300,470 nurses para makatugon ang bansa sa ratio na 27.4 nurses sa bawat 10,000 population base naman sa itinatakda ng United Nations Sustainable Goals (SDGs) na requirement nito.

Sa ginanap na policy dialogue, sinabi ni CHED Commissioner Aldrin Darilag na kasalukuyan na nilang isinasa-pinal ang Memorandum Order na siyang magbibigay ng guidelines para sa application ng higher education institutions (HEIs) para sa bagong nursing programs.

“This will supersede CHED Memorandum No. 32 series of 2010 which imposed the moratorium. Our stakeholders from the nursing profession have been clamoring for the lifting of the moratorium. First, it undermines the role of nurses here in the country in delivering quality health care to the people and their contribution to the achievement of our health targets such as universal health care,” ayon pa kay Magsino.