Lily3

Mother Lily dinagsa ng pakikiramay mula sa mga pinasikat

Vinia Vivar Aug 6, 2024
117 Views

Lily4Lily5Lily6Lily7Dagsa pa rin ang pakikiramay at pagbibigay ng tribute ng mga artista’t taga-showbiz sa pumanaw ns movie producer ay film icon na si Lily Monteverde o Mother Lily.

Pumanaw ang Regal matriarch nitong nakaraang Agosto 4 sa edad na 85.

Sa Instagram ay sunud-sunod ang post ng mga artistang napasikat at naging bahagi ng buhay ni Mother Lily para bigyan siya ng papugay at pagrespeto.

Isa na rito si Judy Ann Santos na isa rin sa malalapit sa producer.

Sa kanyang Instagram ay in-upload ng aktres ang huling larawam nila ni Mother Lily na magkasama.

Aniya, lahat ng ‘firsts’ sa kanyang career ay ibinigay nito sa kanya.

“My dearest mother Lily.. if i remember it right, this was our last photo together when we had our meeting for your biopic before the pandemic happened..

“i could still remember how tight you embraced me when i arrived.. all my firsts in showbizness was under you. My first teleserye “kaming mga ulila” and the only producer na sumugal sa amin ni gladys para gawin ang pelikulang ‘sana naman’… and the rest is history..

“Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra.. and for that.. i will forever be grateful for your trust and love.. andito ako sa industriyang to, dahil sayo.. thank you mother.. fly high and enjoy walking around the heavens with father.. we love you soo much!” pahayag ni Juday.

Ayon naman kay Vhong Navarro, ang Regal Films producer ang isa sa mga taong laging nandiyan noong panahong down siya.

“Walang sawang pagpapasalamat po sa inyo, Mother Lily sa tiwala at pagbigay ninyo po sa akin ng mga proyekto. Salamat din po nung panahon na down ako lagi po kayo nandyan para sa akin.

Hinding hindi ko po kayo makakalimutan… Hanggang sa muli po nating pagkikita. Love you po,” ani Vhong.

Inalala rin ni Lotlot de Leon ang mga magagandang alaala niya kay Mother na siya ring unang nagbigay ng break sa kanya.

“Sabe nga nila kahit hindi na natin madalas makasama ang mga importanteng tao sa buhay natin, mananatili ang mga alaala na masaya.. nakaukit na yun sa puso.

“9 years old ako nung una mo ako sinalang sa camera.. and hindi basta basta, isang Lino Brocka movie pa. Isang batang puslit lang na wala namang talagang alam sa pag arte.. Pero binigyan mo ako ng puwang nang pagkakataon.

“Hanggang sa nag dalaga at naging legit na Regal Baby din.

“I will always remember you for your kindness. Yung mga panahon na kinakatok kita sa greenhills sa dis oras ng gabi at pinagbubuksan mo ng pinto. Yung pag sabe mo ng “hello” kahit mag katabi lang tayo dahil yun na nakasanayan mo dahil lage kang nasa telepono. Yung mga halakhak mong umaalingawngaw sa Valencia. Isang tahanan na puno ng magagandang alaala.

“Napaka laking bahagi ka ng buhay ko Mother. I am and forever will be grateful for you.  Salamat po.. sa lahat lahat lahat.. Rest easy our Mother Lily!  Mahal kita,” madamdaming tribute ni Balot.

Ikinuwento naman ni Korina Sanchez na si Mother Lily ang tumulong para makabangon ang ABS-CBN noong dekada ‘80.

“My world has always crosses over between news and entertainment. Blessed to have known most of the iconic greats. Mother Lily Monteverde of Regal Films. She helped make ABSCBN stand on its feet in the 80’s. She made countless stars become. Will never forget her unwavering support of Mar. And how she was always an influence to me to reach great things while staying balanced. Vaya Con Dios Mother,” pahayag ni ate Koring.

Wasak na wasak din ang puso ng veteran talent manager and showbiz reporter na si Lolilt Solis sa pagpanaw ni Mother Lily.

“Devastated. Bull’s eye sa puso Salve. Hindi ko talaga maisip na mawawala si Mother Lily Monteverde. I can say na who I am now dahil sa kanya, at anuman meron ako ngayon, halos sa kanya nanggaling. The most generous person na yata si Mother Lily, at talagang parang Nanay siya pag alaga ka niya. Half of me died when I heard the news. Parang dumilim ang paligid ko. I will never ever forget how grateful I am to Mother Lily. She and Manay Ichu Maceda are my two mothers aside from my own. God take good care of Mother Lily, we will see you again till that time come just be with Father Remy, Douglas, Ricky and all your chika gangs, you are a good person, sure ako guluhin mo mga angels sa heaven. Forever loving you, my dearest Mother Lily Monteverde,” saad ni ‘Nay Lolit.