Acidre

Mother’s Day celebration sa QC pinangunahan ni Vargas

Mar Rodriguez May 17, 2024
83 Views

Acidre1Acidre2BILANG pasasalamat para sa tinaguriang mga “ilaw ng tahanan” ang mga ina, pnangunahan ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Congressman Patrick Michael “PM” D. Vargas ang Mother’s Day na programa.

Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Vargas sa TINGOG Party List Group sa Kamara de Representantes, Yunee Love Foundation at JCI Novaliches, inilunsad ng kongresista ang mga programa tulad ng isang “cooking contest”, bayong all you can, make-over beauty pageant at iba pa.

Sinabi ni Vargas na layunin nito na mabigyan ng kasiyahan at kaunting kunsuwelo ang mga nanay sa QC partikular na sa bayan ng Novaliches upang maiparamdam sa kanila ang pagmamahal ng kanilang mga anak.

Ayon kay Vargas, layunin ng nasabing programa na bigyang pugay ang malaking sakripisyo ng mga ina sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kanilang pamilya at mga anak. Ang ibang Nanay ay “kayod kalabaw” para lamang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

“Kung tutuusin ay maliit pa itong ginawa natin kumpara sa napakalaking sakripisyo na ibinibigay ng ating mga Ina para buhayin ang kaniyang pamilya. Ito ay isang pasasalamat para sa lahat ng mga nanay,” sabi ni Vargas.