Motocross princess Jolet at Jasmin Jao: Motocross royalty.

Motocross princess nagpakitang gilas

Ed Andaya Apr 26, 2022
372 Views

TULOY ang pamamayagpag ni Jasmin Jao, ang tinaguriang “Poster Girl” ng local motocross.

Nagtapos si Jao sa ikatlong puwesto sa Dumaguete Teves Cup motocross championships na ginanap nung April 23-24 sa Teves MX Park sa Barangay Balayagmanok, Bacong, Negros Oriental.

Si Jao, ang 24-taong-gulang na anak ni motocross legend Jolet Jao, ay muling nagpakitang gilas laban kina Sharlet Gallarde at Pia Gabriel at nagtapos sa ikatlong puwesto sa one-day competition na itinaguyod ni Ted Conde.

“I’m satisfied with my performance in Dumaguete. I know there’s still a lot of work to do to get better,” pahayag ni Jao, na sinusuportahan ng KYT Helmet, Motul, Shotrace Gear, Ride Manila,

Mitas Tires, Motoclassy, GS Battery, Motovita, Boss Mkx,Teves Brothers, Potato Corner at Black Mamba Energy Drink.

Hindi din nagpahuli ang kantang amang si Jolet Jao, na nagpasiklab naman sa centerpiece pro category.

Si Jao, na tinawag ding “Mr. Excitement” ng motocross nung 80s hanggang 90s, ay nakipagsabayan sa mga kapwa premyadong riders na sina Bebet dela Cruz at Glen Aguilar.

“Tuloy lang ang laban hanggang kaya. Msy ibubuga pa naman tayo,” saad ni Jao, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa May 1.

Ang susunod na kumpetisyon na lalahukan ng bigating father and daughter tandem ay ang Montalban Motocross Championships sa April 30-May 1 sa CCHFJ Motocross Park sa Montalban, Rizal; at ang Motul Motocross Series 2022 sa May 7 sa Vermosa MX Track sa Imus, Cavite.