Calendar

Motor vs tractor head sa Delpan tulay, mag-ama patay
BINAWIAN ng buhay ang mag amang magkaangkas sa motorsiklo makaraang bumangga sa isang Tractor head sa kahabaan ng tulay sa Delpan, Binondo, MaYnila, Miyerkoles ng madaling araw.
Nakilala ang dalawang biktima na sina Eric,31, government employee, at ang ama nitong si Ricky,54, kapwa residente ng Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila.
Ayon kay Police Major Jaime Gonzales Jr, OIC ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), mula kay Police Staff Sergeant Lagundi, duty desk officer at nag-inform sa imbestigador na dakong 12:46 ng madaling araw nang mangyari ang nasabing aksidente.
Nadatnan ni Police Corporal Miguel Casanares, may hawak ng kaso, ang driver ng Foton na minamaneho ni Mark,36, ng Naic, Cavite.
Batay sa report ng pulisya, mabagal na binabaybay ng truck ang kahabaan ng nortbound lane sa Delpan Bridge ng bandang 12:40 ng madaling araw nang mamataan umano ang driver sa side mirror na paparating ang Honda Click na tinatahak ang nasabing tulay.
Bumangga ang motorsiklo sa truck at tumilapon at tumama sa semento ang mag-ama.
Agad nagtungo ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng Station 11 para ikordon ang lugar.
Ang driver ng truck ay pansamantalang dinala sa Gat Andres Bonifacio Medical Center upang isailalim sa medical examination. Siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.