Aksidente Ang mga nasawi sa aksidente. Kuha ni JONJON C. REYES

Motorsiklo sumemplang; babaeng rider, backrider dedo

Jon-jon Reyes Sep 3, 2024
20 Views

PATAY ang rider at backrider na babae matapos sumemplang sa Lacson Avenue sa may ramp ng tulay sa Nagtahan corner G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila noong Martes.

Nakilala ang mga nasawi na sina Antonette Geromo, 23, ang rider, at si Ana Mae Adlaon, ang backrider, na nakasakay sa Yamaha Mio nang matodas.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, sumemplang ang magka-angkas bandang alas-5:00 ng umaga. Nawalan ng control ang rider kaya sumalpok sa center island at tumilapon ng mga 15 metro na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Dead-on-arrival naman si Johnseph Llamido sa Philippine General Hospital (PGH) makaraang sumemplang sa kurbadang portion ng Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila noong Martes.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang sumemplang ang biktima, ayon sa report.

Kitang-kita pa sa CCTV ng Brgy. 306 sa Quiapo bridge nang sumemplang ang rider sakay ng Honda ACB 125.