Magsino

MOU signing sa pagitan ng OFW Party List at University of Perpetual Help Las Piñas para sa 50% scholarship, seselyuhan na

Mar Rodriguez Oct 28, 2024
84 Views

NAKATAKDANG selyuhan ang babalangkasing partnership sa pagitan ng OFW Party List at University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas Campus sa pamamagitan ng paglalagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong magkaroon ng 50% scholarship para sa mga kuwalipikadong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais mag-aral sa kolehiyo kasama na ang Graduate School Programs.

Ayon kay OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino, ang naturang scholarship para sa mga OFWs ay kinabibilangan ng Graduate School Programs na may kaugnayan sa Education, Business, Nursing at Public Administration.

Paliwanag pa ni Magsino na ang ikakasang collaboration ay bilang suporta ng OFW Party List sa professional growth ng mga OFWs kasama na dito ang kanilang mga pamilya sa mga makikinabang sa 50% scholarship upang maging accessible at affordable ang edukasyon.

Sabi pa ng kongresista na hindi habang panahon ay mananatili silang OFW kaya napaka-importante aniya ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon para umasenso ang kanilang pamumuhay kasama na ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ng OFW Lady solon na gaganapin ang MOU signing sa darating na Oktubre 29 sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Malls, Manila Bay, Parañaque City.