Calendar
MPBL: Bataan lusot sa Sarangani
DUMAAN muna sa butas ng karayom ang Bataan Risers bago maungusan ang Sarangani Marlins, 90-80, sa pagpapatuloy ng MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Season 6 basketball tournament sa Kamalig Coliseum sa Orion, Bataan.
Nagsanib pwersa sina Yves Sazon, na umiskor ng 15 puntos, Jamil Gabawan, Mitchell Maynes and Alex Ramos para sa Bataan, na bumawi mula sa maagang pagkabaon laban sa Sarangani upang itala ang unang panalo sa ilalim ni coach Manuel Ilagan Jr.
Ang Sarangani, na lumamang sa higit 27 minutes ng laro, ay nakakuha ng 18 puntos, six rebounds at five assists mula kay Ryan Isaac Sual; 15 puntos, four rebounds, three assists at two steals mula Felix John Villafuerte, at siyam na puntos mula kay Megan Galang.
Sa ibang mga laro, pinabagsak ng Negros Muscovados ang Marikina Shoemasters, 73-62, at ginulat ng Mindoro Tamaraws ang Bicol Oragons, 84-81.
Sumandal naman ang Negros kina Renz Palma, na may 14 puntos, five assists at three rebounds; Jeremy Cruz, na may 12 puntos; Yvan Ludovice, na may 11 puntos; Alvin John Capobres, na may siyam na puntos; Mark Atabay, na may walong puntos at and rebounds; at Germy Mahinay, na may limang puntos at 13 rebounds.
Nanguna para sa Marikina sina Miguel Castellano sa kanyang 14 puntos at walong rebounds, at Joe Gomez De Liano sa kanyang 11 puntos at siyam na rebounds.
Una dito, nagpakitang gilas si Teytey Teodoro para pamunuan ang Mindoro laban sa Bicol.
Umiskor si Teodoro, na dating naglaro sa NCAA team Jose Rizal University, ng huling walong puntos para sa Tamaraws, kabilang ang dalawang free throws na may 7.4 segundo ang natitira, para sa panalo ng Mindoro.
Sa kabuuan, si Teodoro ay nagtapos na may game-high 19 puntos, five rebounds, two assists at two steals sa higit 20 minuto nalaro.
Napili si Teodoro bilang “Best Player” award.
Ang iba pang nagbida para kay Mindoro coach JR Cawaling ay sina Ken Bono (15 puntos, seven rebounds), Andres Desiderio (14 puntos, nine rebounds at five assists), Jordan Rios (12 puntos, walong rebounds) at Ralph Olivares (siyam puntos, six rebounds).