San Juan San Juan-Negros showdown sa MPBL.

MPBL: San Juan ayaw paawat

Robert Andaya May 29, 2024
160 Views

PERFECT 8-0.

Hindi na naawat ang San Juan Knights na itala ang kanilang ika-walong sunod na panalo matapos durugin ang Negros Muscovados, 85-64, sa pagpapatuloy ng aksyon sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan nina Michael Calisaan at Dexter Maiquez ang balanseng atake ng San Juan, na kung saan lumamang sila ng 24 puntos, 81-57, sa fourth quarter mula 37-30 halftime count.

Nagtala si Calisaan ng 12 points at seven rebounds, habang nagdagdag si Maiquez ng 11 points at seven rebounds para sa Knights ni Sen. Jinggoy Estrada na tumabla sa Quezon Huskers sa liderato ng 29-team round-robin tournament.

Nakatulong nila si Orlan Wamar, na may 11 points at three rebounds.

Labing-isa pang players ang umiskor para sa San Juan.

Namuno sina James Paul Una (13 points, eight rebounds), Renz Palma (12 points, seven rebounds, five assists) at Jefferson Comia (12 points) para sa Muscovados, na bumagsak sa 4-6 win-loss record.

Ang MPBL, na itinuturing na “Liga ng Bawat Pilipino”, at itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao sa tulong ni PBA legend Kenneth Durmedes bilang commisisoner.

The scores:

San Juan (85) – Calisaan 12, Wamar 11, Maiquez 11, Galinato 8, Huang 7, Hernandez 7, Malonzo 5, Taywan 5, Hugnatan 4, Panganiban 4, Soberano 3, Miranda 3, Mojica 3, Ubalde 2, Gamboa 0.

Negros (64) – Una 13, Comia 12 Palma 12, Capobres 10, Cruz 8, Geolingo 5, Cani 2, Atabay 2, Antiporda 0, Longa 0, Bacay 0, Alcaide 0, Ramos 0, Pascual 0.

Quarterscores: 21-21, 37-30, 56-49, 85-64.