Calendar
Kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang mga suspek sa kasong frustrated robbery with homicide at carnapping na natimbog sa Quezon Blvd., Sta. Cruz, Manila.
MPD-2 inaresto 2 suspek sa bigong nakaw, pagdedo
INARESTO ng mga operatiba ng MPD-Moriones Police Station 2 ang dalawang lalaki dahil sa mga kasong frustrated robbery with homicide at paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) sa male dormitory ng BJMP-Manila sa Old Bilibid Compound, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jose, 33, tubong-Bulacan, binata; at Mark Anthony, 36, binata at naninirahan sa Fronda St., Gagalangin, Brgy. 183, Tondo, Manila.
Ayon sa report, bandang alas-9:30 ng umaga nang damputin ang mga suspek sa tulong ng warrant and subpoena section sa pamumuno ni PMaj. Genesis Aliling.
Ang arrest warrant laban sa mga nasabing akusado ay inisyu ni Judge Lyn Gonzalez, Presiding Judge ng RTC 120 sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Walang inirerekomendang piyansa para sa pansmantalang paglaya ng 2.
Ang mga akusado ay nakakulong sa BJMP Manila City Jail custodial facility.

