Calendar

MPD chief Guzman: Police visibility paiigtingin, 24/7 sa Maynila
SINABI ni Manila Police District (MPD) chief Police Brig. General Benigno Guzman na walang lugar ang mga kriminal sa Manila matapos pangunahan ang pag-iikot sa bawat istasyon ng pulis sa Maynila.
Ayon kay PBGen. Guzman, paiigtingin ang police visibility sa Maynila at tuluy-tuloy ito 24/7 sa bawat PCP at Istasyon ng MPD.
Nariyan din ang mga mobile patrol unit, SWAT team, motorcycle unit at maging ang mga bicycle patrol, ayon sa hepe.
Gagawin ang upang maging mapanatag at maging safe ang ating mamamayan kahit sa gabi, madaling araw man o sa umaga, ayon sa heneral.
Ayon kay MPD-PIO chief Police Major Philipp Ines, nagtalaga ng 1,680 pulis at security officers sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila ang MPD bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang police visibility.
May karagdagang pang 1,120 personnel ang ide-deploy mula sa National Capital Region Police Office sa pamumuno ni NCRPO Chief Police Major General Anthony A. Aberin.