Rally1 Source: MPD

MPD kinilala na raliyista na nanapak ng pulis sa rally

Jon-jon Reyes May 1, 2026
23 Views

KINILALA na ng Manila Police District ang pagkakakilanlan ng raliyistang nanakit ng isang pulis sa panahon ng protesta sa Araw ng Paggawa sa TM Kalaw Avenue sa Maynila.

Kinumpirma ni MPD Acting Director PBGen. Arnold Santiago na ang raliyistang sumampal sa isang pulis noong protesta sa Araw ng Paggawa sa Kalaw Avenue, Maynila ay kabilang din sa mga nanggulo sa rally noong Setyembre 21, 2025.

Maliban rito, namalo pa ng kawayan ang lalaking rallyista. Ilang pulis rin ang naitalang sugatan sa “MAXIMUM TOLERANCE” na pagbabantay seguridad lamang ng pulisya.

Ito rin ang umanong nanghablot sa cellphone ng isang pulis na kumukuha ng video footage sa nasabing rally.

Ang mabilis na pagtukoy sa pagkakakilanlan ay dahil na rin sa mga nakapalap na impormasyon ng kapulisan sa mga indibidwal na kasama sa naturang kilos-protesta,

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang lalaki na tila walang respeto sa kapulisan.

“Ganoon po ba ang malayang pamamayag, may kasamang pagnanakaw!?.” pahayag ni PLTCol. June Paolo Abrazado, Ground Commander ng MPD sa Ermita Maynila.

Kinumpirma rin ni PBGen. Santiago na ang naturang raliyista ay kabilang din sa mga nanggulo noong September 21, 2025 rally sa Maynila sa paanan ng Ayala Bridge Romualdez St,.Ermita Manila.