MPD Naging alerto ang mga tauhan ng Manila Police District sa UN Avenue, Ermita, Manila para sa 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill noong Huwebes. Kuha ni JONJON C. REYES

MPD nakiisa sa quake drill

Jon-jon Reyes Nov 15, 2024
69 Views

NAKIISA ang mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill sa United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Huwebes.

Pasado alas-2:00 ng hapon tumunog ang sirena sa MPD headquarters bilang hudyat para maging handa at alerto ang mga pulis sa mangyayaring paglindol.

Isa-isang naglabasan sa kanilang mga tangapan ang mga pulis na may mga takip sa ulo at naka-helmet upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nag-“rescue” ang mga pulis ng kanilang mga kasama na na trap sa headquarters at nagturo din ang ilang mga opisyal kung paano lapatan ng lunas ang mga nasaktan.

Nakaantabay ang mga bumbero, ambulance at ilang mga manggagamot at rescuers sa quadrangle.