Ibay Inatasan ni MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang kanyang kapulisan na siguruhin ang mapayapa at maayos na paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

MPD pinaigting pagbabantay ng sementeryo para sa Undas

Jon-jon Reyes Oct 23, 2024
13 Views

PINAALALAHAN ang mga pamunuan ng Manila North Cemetery, South Cemetery, Chinese Cemetery at Paco Cemetery sa lungsod ng Maynila na maghanda na sa nalalapit na paggunita sa Undas o All Saints Day at All Souls Day sa Nobyembre 1 at Nobyembre 2.

Aasahang daragsain ng mga mahal sa buhay, kaibigan at kamag-anak ng mga namayapa ang mga sementeryo, ayon sa pahayag ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO).

Ayon sa pamunuan ng MPD,magsisimula ang pagbabantay ng mga kapulisan sa October 25. Bibigyan din ng pagkakataon na maglinis ng puntod ang mga dadalaw.

Sa direktiba ni Manila Police District Director PBGen.Arnold Thomas Ibay, sinisiguro ng MPD na magiging mapayapa at malinis ang paggunita ng Undas sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Director Yayay Castañeda ng Manila North Cemetery, magiging mahigpit ang pagbabantay sa loob ng sementeryo upang maiwasan ang gulo.

Ang cremation services ay nakatakda sa Oktubre 28 at Nobyembre 4.

Ang lahat ng araw ng libing ay sa Nobyembre 4 na.