Rep. Erwin Tulfo

MPD Press Corps sa pangunguna ni president Jon-jon Reyes nanumpa kay Rep. Tulfo

Jon-jon Reyes Dec 13, 2024
58 Views

Rep. Erwin Tulfo Rep. Erwin Tulfo NANUMPA kay ACT-CIS Party-list Rep. Erwin T. Tulfo ang mga bagong opisyal ng Manila Police District Press Corps (MPDPC), sa pamumuno ni People’s Tonight/Taliba Online photojournalist Jon-Jon C. Reyes bilang presidente, sa Rizal Hall ng Manila Police District headquarters, U.N. Avenue, Ermita, Manila, Miyerkules ng hapon.

Itinalaga bilang bagong MPDPC president si Jon-Jon Reyes kasama ang kanyang mga kapwa opisyal na sina Edd Gumban ng Philippine Star bilang vice president, Mike Alquinto ng Manila Times bilang secretary, Marvin Empaynado ng People’s Journal Tonight bilang treasurer, Jocelyn

Tabangcura Domenden bilang auditor at Jonas Sulit bilang chairman of the board.
Ang mga director ay sina Emman Mortega, DZXL; Norman Araga, Manila Standard; Richard Reyes, Philippine Daily Inquirer; Yancy Lim, Philippine News Agency; Michael Rogas, Radyo Pilipinas; Felix Laban, DZME; Itoh Son, Saksi /Police Files; Rene Dilan, Manila Times; Olan Bola, DZBB-GMA 7; at Ryan Baldemor, Philippine Star.

Pinangasiwaan naman ni MPD Director PBrig. Gen. Arnold Thomas Ibay ang seremonya matapos magbigay ng inspirational na mensahe.

Binigyang-diin din ni Tulfo sa kanyang pahayag na labanan ang pagpapakalat ng fake news sa bansa, bilang isang dating mamamahayag. Alamin mabuti ang iniuulat bago ilabas sa publiko, aniya.

Matapos ang panunumpa ay nagbigay karangalan bilang pasasalamat ang MPDPC sa mga malalapit na kaibigan na walang sawang sumusuporta sa grupo, kabilang sina Ibay, Tulfo, Vincent Chan, Kevin Lim, Cesar Go, PMaj. Philipp Ines, Enrico Sangcap at Mike Chua.
Sa kanyang acceptance message, nagpasalamat si Reyes sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya, kasama sina dating presidente Francis Naguit, dating Journal Group editor-in-chief Gus Villanueva, ang kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at si People’s Tonight editor-in-chief Tess Lardizabal.

Si Reyes ay anak ng dating chief photographer ng People’s Journal Tonight na si Edong Reyes, na naging presidente rin ng MPDPC noong 1994-96, na sinundan naman ni Tulfo bilang isa sa mga pinakabatang presidente ng nasabing himpilan noong dekada ‘90.

Makalipas ang halos apat na dekada, si Reyes naman ang uupong MPDPC president para sa taong 2024-2026.