Ibay Desidido si MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay na alamin ang ugat ng pagkamatay ng criminology graduate matapos pagtulungang bugbugin at saksakin umano ng mga residente sa isang barangay sa Malate, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

MPD tiniyak no-holds barred na imbestigasyon sa pagkamatay ng criminology grad

Jon-jon Reyes Feb 22, 2025
25 Views

IIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang totoong nangyari kung bakit namatay ang criminology graduate na si Christian Tendido Ambon, 26, at kung talagang biktima ng mob attack matapos habulin ang suspek na umano’y nang-agaw ng kanyang cellphone sa Malate, Manila.

Ayon sa report, pinag tulungang bugbugin ng mga residente doon ang biktima hanggang mamatay sa pinagdalhang hospital noong Pebrero 8.

Bumuo ang MPD ng Special Investigation Task Group Ambon (SITG-AMBON) at kinapanayam ng mga pulis ang mga kinauukulang indibidwal, nangalap ng ebidensya at nirepaso ang mga kuha ng CCTV footage sa pinangyarihang lugar.

Gayundin, para sa karagdagang imbestigasyon isinailalim sa autopsy examination ang labi ng biktima.

“Tinitiyak namin sa pamilya ng biktima ang hustisya at malulutas ang kasong ito,” ayon kay MPD chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay.

“Gagawin namin ang lahat ng makakaya para sa kaligtasan ng bawat Manilenyo upang maiwasan at hindi na mauulit ang mga ganitong krimen sa ating mga komunidad,” dagdag ni PBGen. Ibay.