National Security Council Assistant Director-General Jonathan Malaya National Security Council Assistant Director-General Jonathan Malaya

Mula P2.5M, P7.5M/bgy na pondo sa Bgy. Dev’t Fund sa ilalim ng NTF-ELCAC

Chona Yu Nov 11, 2024
86 Views

DINAGDAGAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Barangay Development Fund na nasa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay National Security Council Assistant Director-General Jonathan Malaya, mula sa P2.5 milyon, gagawin na itong P7.5 milyon kada barangay.

Nasa P4.32 bilyon ang additional budget na inilaan ni Pangulong Marcos kung saan nasa 864 na barangay ang makikinabang.

“The President was not happy with the original P2.5M per barangay in the 2024 General Appropriations Act (GAA) so he ordered the Department of Budget and Management to allocate the additional funds for this year. He said that P2.5M will hardly make an impact in terms of development so he ordered the augmentation,” pahayag ni Malaya.

Galing aniya ang pondo sa unprogrammed funds ng National Treasury.

Ayon kay Malaya, suportado rin ni Pangulong Marcos ang panukala na taasan pa ang pondo at gawing P10 milyon sa kada barangay sa taong 2025.

“The President noted that the [National Expenditure Program] allocated P10M per barangay for the next batch of recipient barangays next year and he hopes Congress will ensure that the final version of the 2025 GAA reflects this amount,” pahayag ni Malaya.