Marianito Augustin

Mula sa ama hanggang sa anak suportado ng PMMA

194 Views

SUPORTADO ng mag-amang dating Pangulong Diosdado Macapagal at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales at sa katunayan kaya mayroon ngayong PMMA ay dahil na rin sa pagmamalasakit ng yumaong dating Pangulo.

Pinasinayahan noong nakaraang linggo sa PMMA ang statue ng dating Pangulong Diosdado Macapagal na pinangunahan ng magkapatid na House Senior Deputy Speaker at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at kapatid nito na si dating Pampanga Vice-Governor Cielo Macapagal.

Hindi lamang iyan, yun din ang ika-21 founding anniversary ng PMMA dahil noong April 21, 1963 ay nilagdaan ni dating Pangulong Macapagal ang isang batas na nagtatatag sa PMMA na dating kilala bilang Philippine Nautical School. Mula sa ama hanggang sa anak. Andun ang kanilang suporta sa PMMA.

Kahit hindi na siya ang Pangulo, naroroon pa rin ang pagmamahal at pagmamalasakit ni congresswoman Arroyo para sa PMMA sapagkat nais niyang palakasin ang kapasidad ng PMMA sa pamamagitan ng pag-convert dito bilang Philippine National Marine Academy (PNMA).

Marahil ay itinutuloy lamang ni congresswoman Arroyo ang “legacy” ng kaniyang ama na mayroong malalim o marubdob na pagmamahal at pagmamalasakit para sa PMMA. Dahil nais ng dating Pangulo na itulak sa kaniyang mga kasamahan ang panukalang batas para maipantay ang PMMA sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA).

Maraming salamat po congresswoman Arroyo sa inyong pagmamalasakit para sa PMMA. Nawa’y magtagumpay po kayo sa inyong magandang hangarin.

PAGKAKAROON NG PRAYER ROOM SA MGA GOV’T AGENCIES IMINUNGKAHI

NAGHAIN nang panukalang batas si KUSUG-TAUSUG Party List Congresswoman Shernee A. Tan-Tambut para magkaroon ng prayer room o worship room ang mga kapatid nating Muslim sa lahat ng government building, kampo ng militar, public hospitals at iba pang establishments.

Nais ni Congresswoman Tan-Tambut na gawing mandato ang paglalagay ng prayer room o worship room sa mga nabanggit na establishments dahil nakikita niya na walang lugar para magsagawa ng pananalangin at pagninilay ang mga kapatid nating Muslim hindi gaya ng ibang relihiyon.

Sinasang-ayunan natin ang panukala ni Congresswoman Tan-Tambut sapagkat nararapat lamang na mabigyan ng lugar ang mga kapatid nating Muslim para duon sila makapanalangin ng taimtim at makapagnilay.

Kung tayong mga Kristiyano ay may kani-kaniyang simbahan dapat pati ang mga Muslim ay mayroon din lugar para sa kanilang religious activities. Tandaan natin na sa paningin ng ating Panginoon, si HesuKristo man iyan o si Allah, lahat tayo ay pantay-pantay at walang special.

Iginiit pa ng kongresista na napakahalaga para sa kanilang mga Muslim ang pagkakaroon ng lugar para sa kanilang worship, meditation at pananalangin sapagkat ito’y itinuturing nilang “compulsory” bilang kanilang religious duties na mandato naman ng Islam.

REPATRIATION NG MGA OFW’s SA SUDAN IGINIIT NG OFW PARTY LIST

IGINIGIIT ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang agarang “repatriation” ng tinatayang 700 OFW’s sa Sudan. Kasunod ito ng nangyayaring kagulugan duon dahil ang pangamba ni Magsino ay baka sila maipit sa tumitinding tensiyon sa Sudan.

Hindi pa man nagtatagal, noong una ay ang umiinit na girian sa Taiwan. Ngayon naman ay sa Sudan, kaya hindi na dapat pang magpatumpik-tumpik ang gobyerno at dapat na nating ilikas sa lalong madaling panahon ang mga kababayan natin duon na siyang concern din ni congresswoman Magsino.

Ang ikinababahala lamang ni Congresswoman Magsino ay baka kasi may mga Pilipino ang madamay sa giyera sa Sudan. Kaya habang hindi pa ito nangyayari ay mas magandang kumilos na agad ang ating pamahalaan para maibalik ng bansa ng ligtas ang ating mga OFW’s.

Kapag sa isyu ng mga OFWs at ang kanilang kapakanan ang pag-uusapan, diyan natin maaasahan si Congresswoman Magsino. Mula noon hanggang ngayon ay talagang ready to fight si ma’am para ipaglaban ang ating mga OFWs na inaapi at nagiging biktima sa ibang bansa.

Noong una akong ma-assign sa Congress noong 1995 sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Jose de Venecia, wala pa noong Party List, ang mayroon noon ay Sectoral Representatives. Ang kinatawan ng Overseas Workers Sectoral Representative noong mga panahong iyon ay si Thomas Concepcion.

Sa aking pagkakatanda, hindi ko nakita ang dating Overseas Workers Sectoral solon na naging aktibo kagaya ni Congresswoman Magsino ngayon na talagang ipinaglalaban ang ating mga OFWs. Kahit sino pa ang tamaan. Ang mga kagaya ni congresswoman ang kailangan natin sa Senado.

Ang mga kagaya ni Congresswoman Magsino ang karapat-dapat maging miyembro ng Senado. Hindi kasi bastante iyong pagmumura lamang ng malulutong at panduduro sa mga sikyu ng isang subdivisión. Hehehe. Wala naman akong ibang ibig sabihin. Wala akong pinahahaginan.

Kahit hindi ka na magmumura ng ubod ng lutong na parang chicharon ng Bulacan basta’t mayroon kang malasakit para sa ating mga kababayan lalo na ang mga OFW’s ay okey nay un. Hehehe. Nagbibiro lang ako ha. Nothing personal.

“We cannot stress enough the urgency of the situation as the fatal clashes in Khatoum continues to endanger the lives of our kababayans. The fierce fighting on the ground also necessitates an action plan for the provision of foods and other basic needs of Filipinos in Sudan,” ayon kay Magsino.
Gayunman, tiniyak ni Magsino sa pamilya at kamag-anak ng mga Pilipinong manggagawa sa Sudan na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng OFW Party List Group sa DFA at Department of Migrant Workers (DMW) para sa koordinasyon at pagtulong sa mga OFW’s na apektado ng kaguluhan.

“Sa ating mga OFWs sa Sudan pati sa kanilang mga pamilya at kamag-anak. Patuloy ang ugnayan ng OFW Party List sa DFA at DMW para sa koordinasyon sa pagtulong sa mga apektadong kababayan. Ang OFW Party List ay nagsisikap na matulungan ang ating mga kababayan na apektado ng kaguluhan sa Sudan,” sabi pa ni Magsino.