Tulfo

Mungkahi ni Sen. Tulfo Mandatory appearance sa LTO vehicle registration

115 Views

IMINUNGKAHI ni Sen. Raffy Tulfo sa Land Transportation Office (LTO), bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, na i-require ang lahat ng mag-rerenew ng kanilang vehicle registration na personal na pumunta sa LTO branch at magsumite ng valid government IDs.

“Marami nang natanggap na sumbong ang Raffy Tulfo in Action (RTIA) kung saan hirap ang mga awtoridad na tukuyin ang gumamit ng sasakyang sangkot sa krimen o aksidente dahil matagal na palang naibenta ito pero nakapangalan pa rin sa unang owner,” saad niya.

Binanggit na halimbawa ni Tulfo ang sumbong sa RTIA ukol sa Silver Mitsubishi Montero Sport na may plakang PEO-987 na ginamit sa pambubudol sa isang cancer patient noong June 10. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang driver nito dahil napagpasa-pasahan na ang kotse at “open deed of sale” lamang ang naganap na proseso.

“Common practice na kasi ngayon lalo na sa buy and sell, na bibili ng sasakyan ang isang tao at hindi muna ito nirerehistro dahil ibebenta niya rin ito, bukod pa diyan ay para makatipid siya,” ani Tulfo.

“Sa ganitong practice, malakas ang loob ng mga driver na takbuhan ang kanilang responsibilidad sakaling may aksidenteng nangyari sa daan. Gayundin, nagagamit ng mga kawatan ang sasakyang binili para sa mga modus nila,” dagdag niya.

Dahil dito ay maghahain si Sen. Idol ng panukalang batas para i-require na sampung araw mula sa date of purchase ng sasakyan, dapat ay registered na ito sa LTO. Kapag hindi naka-comply ang owner, mai-impound agad ang kanyang sasakyan.

Ang ganitong regulasyon ay hindi na bago at naipapatupad na sa iba’t ibang states sa US, paliwanag ni Sen. Idol.

Dagdag pa niya, maglalagay siya ng “anti-fixer” provision sa kanyang bill kung saan kapag may nahuling fixer sa isang LTO unit ay masisibak agad sa pwesto ang director na nakakasakop sa nasabing tanggapan sa 1st offense pa lamang.

Sa huli, nanawagan si Sen. Tulfo sa lahat ng car owners na binili ng second hand ang kanilang mga sasakyan at hindi pa rin ito narerehistro sa kanilang pangalan na pumunta na sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO para maipa-transfer ito sa nararapat na pangalan.

Iminungkahi ni Sen. Idol Raffy Tulfo sa Land Transportation Office (LTO), bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, na i-require ang lahat ng mag-rerenew ng kanilang vehicle registration na personal na pumunta sa LTO branch at magsumite ng valid government IDs.