Calendar
Muntik mabiktima ng human trafficking naharang sa NAIA 3
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang babaeng muntik mabiktima ng human trafficking na nagtangkang gumamit ng pekeng Commission on Filipino Overseas (CFO) certificate.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nagtangkang umalis ang 20-anyos na pasahero papuntang Nagoya, Japan pero naharang noong Nov. 14 sa NAIA Terminal 3.
Bibisita umano sa kanyang asawang Hapones ang babae subalit pekeng CFO certificate ang iprinisinta. Nakita ang discrepancies sa certificate sa pamamagitan ng BI-CFO joint system.
“Our officers swiftly initiated a check using the BI-CFO joint system, which enabled real-time verification of the authenticity of her documents,” sabi ni Viado.
Natuklasan din na sa imbestigasyon na ang babae bumili ng counterfeit CFO certificate mula sa online fixer sa halagang P3,000.