Murang kabaong Bill ni Frasco pumasa sa 2nd pagbasa

Mar Rodriguez May 28, 2024
133 Views

Duke FrascoIKINAGALAK ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagkaka-apruba ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ng inakda nitong panukalang batas para sa pagbebenta ng murang kabaong o presyong abot kaya ng mga mahihirap na Pilipino.

Nauna rito, isinulong ni Frasco ang House Bill No. 102 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong magkaroon o i-regulate ang presyo ng mga ibinebentang kabaong o ataol sa iba’t-ibang punerarya na abot kaya sa bulsa ng mga ordinaryo mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Dahil dito, ipinaliwanag ng House Deputy Speaker na ang pangunahing layunin nito sa paghahain niya ng nasabing panukala ay upang maibsan ang bigat na pinagdadaanan ng mga pamilyang naghihinagpis matapos silang mamatayan ng mahal sa buhay kung saan nakakadagdag ang mga naka-abang na gastusin.

Sinabi ni Frasco na ang kadalasang scenario sa mga namamatayang pamilya. Sila ay nahaharap sa mabigat na gastusin tulad ng pagbili ng kabaong, mapagbuburulan ng kanilang yumaong mahal sa buhay at ang paglilibingan nito. Kaya naman ang iba sa kanila ay nalulubog sa napakalaking utang.

“The aim of this landmark legislative measure is to alleviate the burden carried by grieving Filipino families. Especially those living in abject poverty, faced with the prospect of not being able to give their departed loved ones a dignified funeral. These families had to borrow money be in debt,” sabi ni Frasco.

Binigyang diin pa ni Frasco na dahil sa pagkakapasa sa second reading ng House Bill No. 102. Ang lahat ng nagdadalamhating pamilya ay mabibigyan ngayon ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na ataol para sa kanilang yumaong mahal sa buhay bunsod ng murang presyo nito.

“This measure proposes that all funeral establishments shall all times make available for the family of a deceased indigent, funeral services with a price of not more than Twenty Thousand Pesos for this amount,” wika pa ni Frasco.